Tag Archives: Travels

SAGADA

Processed with VSCO with g3 preset
5:45 AM SAGADA MT. PROVINCE

First of all, Hi readers! Heads up lang, this blog is not about how to get to Sagada, Resto hopping nor DIY tipid travel tips. This post is all about my experience, how I felt when I got there, why I went there, what was the series of events that happened and the takeaways. This post may reveal a part of me na I have been keeping for a long time (sa bandang dulo). So voila!

7
Sila yung mga kasama ko. Mga kaibigan ko. The rest, Audience. Candid. I like Candid shots. Genuine.

6

Isang beks, Isang Shebam, Isang Guru.
Sila mga kasama kong nakaligtas sa hamon ng SAGADA…

Pumasok sa Kweba na walang Idea kung anong hirap ang naghihintay:
(Lumiang & Sumilong Cave Connection)

Binaba at inakyat ang Bomod-Ok Falls:

321

At sinubukang puntahan ang Hanging Coffins sa Echo Valley pero bigo.
But here are some shots:

At isa sa mga paborito namin, Bonfire.
We had a chance to meet new people and laugh with them all night.

DCIM100GOPROGOPR2163.JPG

Kung taga maynila ka at palagi mong naririnig ang SAGADA, iisipin mo “That Thing called TADHANA”. Pero pag binaybay mo at sinadya mong puntahan, hindi mo sasabihin over-rated. Malamig legit. Masarap sa pakiramdam. Mabubuti ang mga tao. Malayo sa kawalan. Masarap ang pagkain, pero higit sa lahat mayaman sa kultura at paniniwala.

Last stop but definitely not the least, Kiltepan Peak and its Bed of clouds. ♥ Mesmerizing.
Take note masarap goto dito or lugaw basta.

Processed with VSCO with g3 preset
Kiltepan Peak | Bed of Clouds

Ang ganda diba?
Sa Kiltepan yan. 
Malamig, medyo matao OO.
Kasama mo mga kaibigan mo.
Sinadyang puntahan para salubungin yung araw.
Hanapan ng magandang pwesto para walang sagabal sa pag mumuni-muni mo.

Nang makita ko yung hinihintay ko, napahinga ko ng malalim.
Napa-isip ako…
Sa layo ng binyahe at sa lakas  na binigay ko eto pala ang naghihintay na magpapawi ng lahat ng pagod ko.

3
Hindi to ganun kababaw para sa akin.
Kinagabihan bago puntahan to(Kiltepan), umiyak ako ng todo.
Bat nga ba ko nagpunta talaga sa Sagada?
Para sa view? Hindi lang, nagbaka sakali narin ako na maayos yung pagkakamali ko.
Iniyak ko ng todo yung pag-sisisi ko simula nung oras na napagtanto ko yung mga mali at pagkukulang ko sa mga taong pinapahalagahan ko.
Hindi ko alam na nakakapagod na pala ko.
Hindi ko alam na hindi ako marunong tyumempo.
Masyado akong bumigay, hindi ko na konrtolado ang sarili ko.
Hindi ko naisip na ang bigat na pala ng epekto ko sa tao.
Sobra kung mag-isip. Madalas pala ako nalang gumagawa ng problema na wala naman pala talaga.
At masyado akong dumepende sa tao.
Nalihis yung atensyon ko at dun ako nagsimulang maligaw.

Gusto kong simulang ayusin at inumpisahan ko sa pag-ako at pag-tanggap sa sarili ko
kung papano ako nagkalat. Iniyak ko lahat. Humingi ako ng tawad. Humingi ako ng pagkakataon. Pero nandito parin sa puso ko yung takot na baka hindi na uli bumalik.
Bumalik yung tiwala nila na kaya ko pa damputin yung sarili kong nagkalas-kalas.

Nangangamba ko na mawalan muli, pero kasama sa pagtanggap at pag-usad, nandito parin yung tiwala ko sa sarili ko na kakayanin ko naman to.

Nalaman ko yung mali ko, iniyak ko. Humingi ako ng kapatawaran oo, pero hindi rin masasabing natapos to dito.

DCIM100GOPROGOPR1895.JPG
Banaue Rice Terraces

Wala rin namang pag-uusap na nangyari.
At ito ako ngayon nananatiling naka-sabit.
Hindi parin siguro talaga malinaw.
Pero inuunti-unti kong basahin ng mabuti.
Ayoko ng ipilit.

May pagkakataong akala ko ok na,
biglang isang araw magugulat ka nalang hindi pa pala.

Siguro nga ako talaga may problema…
Kung papaano ako mag-isip.
Gaano kakitid o kalawak ako lang din ang makakasagot.

Napagdesisyunan kong magpahinga.
Umalis sa mga mata nila.
Hindi dahil sa ayoko na sakanila.
Ibinibigay ko lang yung sa tingin kong kailangan nila.
Espasyo ba? Hindi ko rin alam,
basta ang dama ko wag munang lapitan sila.
Kung ano man ung totoong nasa isip nila, hindi ko alam.
Hindi ko rin talaga malalaman.
Dahil di rin nila ko binibigyan ng
pagkakataon marinig kung ano man ang nasa isip nila.

Aaminin ko na gusto kong madaliin magbago, para hindi ko na dala-dala to.
Aaminin kong hindi ko rin gusto na maglaho sa mga mata ng tao.
Pero baka kasi ito yung kailangan ko. O baka pati nila.

21

Salamat sa mga kaibigan ko na tumapik sa likod ko at yumakap at nagsabi na kaya ko to.
Na mahal nila ko. Na may tiwala sila sakin.
Isa sa mga sumagi sa isip ko, dapat ba talaga pag pupunta ng SAGADA may iiyak?
Pero sandali, di ako nabigyan ng chance sumigaw ng “AYOKO NAAAA!!!”
Daming tao eh kahiya. LOL.

Follow me on IG: @iyangiyang

Check out the highlights of our trip here:
SAGADA Travel Video

Advertisements

Explore Taal

So first things first, Here’s our Gang. From Left to Right it’s Erika, Kuya Arman (our daddy yo lol), Aprielle, Ej, Yanic, Ria (me) Ricky, Ral and Kate.
It’s been a long time since my first post about my adventure. Marami-rami pakong napuntahan after that, couldn’t find time to post it lang. Sorry, but I’m praying to make some time for this to help you out (If I’m helping) Haha.DSC_4520

For those of you na interested to trek taal, here’s a guide. Bear with me as I’m still amateur at doing this kinda thing. 🙂

That was February when we toured Yanic and Ricky :), our supervisors from Jamaica site to Taal’s crater. It was all our first time to explore it. It was indeed a freakin’ hot adventure (Bulkan eh asahan mo?) Lol.
Nagcommute kami to let them experience the traffic here in the Philippines. From Ayala to Coastal PHP 12.00/head. Then from south provincial bus terminal sa coastal mall, we took the bus heading to Olivarez Tagaytay worth PHP 72.00/head. Pagbaba sa Olivarez may mag ooffer don na tricycle drivers pababa going to Port ranging from PHP 250-350.00. Since marami kami we had 2 trikes PHP 250.00 each trike. Tamang Haggle lang. 🙂
DSC_4274
DSC_4279DSC_4286

When we reached the Port , kita na namin beauty of Taal Volcano from the same level of perspective. From there we talked to Ate (Apologies coz I didn’t get the name of the resort and the contact person. But the trike drivers will recommend you to one of them) and Haggle the cost for the boat ride going to Taal’s foot.
Here’s the view from the port:
DSC_4294
So here are the damages:
•PHP 6,900 for 2 Boats coz each boat capacity is 6 so we split in to two since there’re 9 of us.
Inclusions:
Cottage for pahinga/waiting area & Tour Guide Fee.
Exclusions:
Meal, water and Horse ride.
You have an option to trek your way up to the crater or just ride a horse for PHP 500 back & forth.
•PHP 100 for Tablang pantawiran by Nanay (didn’t get a chance to take a photo of her *sorry*) you will need her tabla para di  mabasa shoes niyo pagbaba sa pampang.
•Tip for your Tour Guide.
Here are more pics from the port: 

BOAT RIDE HA HA HA!
DSC_4304
We did not expect na magiging windy ang ride na ito. Lol.
I suggest bring extra set of clothes, coz the water from the lake might hug you big time. #LOL.

ON OUR WAY UP!
DSC_4523
Here’s the trail. There’s a total of 14 stations. Steep, Smelly Horse sh**,  & freaking Hot it burned our skin lol jk. But what I love the most in trekking is the fulfillment, Iba kapag andon kana, nakikita mo resulta ng bawat paghihirap mo sa pag-akyat. Peace and Serenity, yan personally ang nagdadrive sakin para mag-explore more, travel more. Bonus na yung #feedgoals and #travelgoals. Nothing beats the smell of the Nature.
DSC_4368
I won’t give you Taal Facts. Let the tour guides do their jobs. LOL. Amazing eh?
All of the photos are owned by yours truly.
And what’s a breath-taking view without a groupie huh?
DSC_4377
1 Fact that I can still remember: Taal Volcano’s steam can boil an egg. 🙂 coz you’re trekking a volcano so expect na there’ll be a steam on your way up.

FINALLY AT THE TOP!
DSC_4436
Couldn’t believe na I’m on the Volcano’s crater! Such a gem near the metro.
DSC_4430-2
For this adventure I wanna thank Yanic Barret and Ricky for being so sport and generous. Kudos! Hope to see you both again and Looking forward for another amazing trip.
Photos by: Ria Brines
Check out my IG for more: @iyangiyang
For questions you can email me at airbrines@gmail.com

Calaguas Island


One morning when I was lurking sa facebook nakita ko yung sponsored post of Zero Two Travel na about sa Isla Mahabang Buhangin.

“Shocks! Ang Ganda!” 

‘Twas a Love at first sight. Since that day I decided na hindi matatapos ang Year nato nang hindi kami nakakapunta diyan ni Aaron. 

Eh to make the story short, we had our trip last April 29-May 2.


Sulit! Every cent. The view on the Hillside is just so perfect. Tanaw mo ang buong Isla Mahabang Buhangin.

30 mins of Trekking lang naman. Pag dating sa Peak there’s a Buko Vendor with a carabao beside her.


Buhanging kay puti at Maala Pulbo! White Sand it is!


Plus, there’s this another Island named Balagbag na puro Rocks! 

When we reached the peak, Cliff, Cliff ang naghello sa amin.

It may not be so obvious here sa angle ng shot. But yeah when I say mataas, Mataas! (Excuse us #relationship goals eh) hahahaha.


Paradise. This Place is a paradise. Isa sa mga reason kung bakit nageexist ang word na paradise.


Who doesn’t love a Sunset? Ah maaliwalas ang pag papaalam ng araw hindi dahil sa paglitaw ng buwan kundi sa  nakakasilaw na ganda ng puting buhangin.
There’s so much more to see. I encourage you to visit this Island. See it for yourselves. 

Shoutout to the team of Zero Two Travel: Kuyas; Arnold, Anthony and Allan. Hurrah!


Masaya akong ishare sa inyo itong happy trip ko sa Camarines Norte. Simpleng pagkwento lang naman to eh diba? If you have any questions regarding our trip here’s my email: airbrines@gmail.com

You may aslo check our Vlog here: Calaguas Island 2016

Kudos!
Ria Brines