Tag Archives: Peak

SAGADA

Processed with VSCO with g3 preset
5:45 AM SAGADA MT. PROVINCE

First of all, Hi readers! Heads up lang, this blog is not about how to get to Sagada, Resto hopping nor DIY tipid travel tips. This post is all about my experience, how I felt when I got there, why I went there, what was the series of events that happened and the takeaways. This post may reveal a part of me na I have been keeping for a long time (sa bandang dulo). So voila!

7
Sila yung mga kasama ko. Mga kaibigan ko. The rest, Audience. Candid. I like Candid shots. Genuine.

6

Isang beks, Isang Shebam, Isang Guru.
Sila mga kasama kong nakaligtas sa hamon ng SAGADA…

Pumasok sa Kweba na walang Idea kung anong hirap ang naghihintay:
(Lumiang & Sumilong Cave Connection)

Binaba at inakyat ang Bomod-Ok Falls:

321

At sinubukang puntahan ang Hanging Coffins sa Echo Valley pero bigo.
But here are some shots:

At isa sa mga paborito namin, Bonfire.
We had a chance to meet new people and laugh with them all night.

DCIM100GOPROGOPR2163.JPG

Kung taga maynila ka at palagi mong naririnig ang SAGADA, iisipin mo “That Thing called TADHANA”. Pero pag binaybay mo at sinadya mong puntahan, hindi mo sasabihin over-rated. Malamig legit. Masarap sa pakiramdam. Mabubuti ang mga tao. Malayo sa kawalan. Masarap ang pagkain, pero higit sa lahat mayaman sa kultura at paniniwala.

Last stop but definitely not the least, Kiltepan Peak and its Bed of clouds. ♥ Mesmerizing.
Take note masarap goto dito or lugaw basta.

Processed with VSCO with g3 preset
Kiltepan Peak | Bed of Clouds

Ang ganda diba?
Sa Kiltepan yan. 
Malamig, medyo matao OO.
Kasama mo mga kaibigan mo.
Sinadyang puntahan para salubungin yung araw.
Hanapan ng magandang pwesto para walang sagabal sa pag mumuni-muni mo.

Nang makita ko yung hinihintay ko, napahinga ko ng malalim.
Napa-isip ako…
Sa layo ng binyahe at sa lakas  na binigay ko eto pala ang naghihintay na magpapawi ng lahat ng pagod ko.

3
Hindi to ganun kababaw para sa akin.
Kinagabihan bago puntahan to(Kiltepan), umiyak ako ng todo.
Bat nga ba ko nagpunta talaga sa Sagada?
Para sa view? Hindi lang, nagbaka sakali narin ako na maayos yung pagkakamali ko.
Iniyak ko ng todo yung pag-sisisi ko simula nung oras na napagtanto ko yung mga mali at pagkukulang ko sa mga taong pinapahalagahan ko.
Hindi ko alam na nakakapagod na pala ko.
Hindi ko alam na hindi ako marunong tyumempo.
Masyado akong bumigay, hindi ko na konrtolado ang sarili ko.
Hindi ko naisip na ang bigat na pala ng epekto ko sa tao.
Sobra kung mag-isip. Madalas pala ako nalang gumagawa ng problema na wala naman pala talaga.
At masyado akong dumepende sa tao.
Nalihis yung atensyon ko at dun ako nagsimulang maligaw.

Gusto kong simulang ayusin at inumpisahan ko sa pag-ako at pag-tanggap sa sarili ko
kung papano ako nagkalat. Iniyak ko lahat. Humingi ako ng tawad. Humingi ako ng pagkakataon. Pero nandito parin sa puso ko yung takot na baka hindi na uli bumalik.
Bumalik yung tiwala nila na kaya ko pa damputin yung sarili kong nagkalas-kalas.

Nangangamba ko na mawalan muli, pero kasama sa pagtanggap at pag-usad, nandito parin yung tiwala ko sa sarili ko na kakayanin ko naman to.

Nalaman ko yung mali ko, iniyak ko. Humingi ako ng kapatawaran oo, pero hindi rin masasabing natapos to dito.

DCIM100GOPROGOPR1895.JPG
Banaue Rice Terraces

Wala rin namang pag-uusap na nangyari.
At ito ako ngayon nananatiling naka-sabit.
Hindi parin siguro talaga malinaw.
Pero inuunti-unti kong basahin ng mabuti.
Ayoko ng ipilit.

May pagkakataong akala ko ok na,
biglang isang araw magugulat ka nalang hindi pa pala.

Siguro nga ako talaga may problema…
Kung papaano ako mag-isip.
Gaano kakitid o kalawak ako lang din ang makakasagot.

Napagdesisyunan kong magpahinga.
Umalis sa mga mata nila.
Hindi dahil sa ayoko na sakanila.
Ibinibigay ko lang yung sa tingin kong kailangan nila.
Espasyo ba? Hindi ko rin alam,
basta ang dama ko wag munang lapitan sila.
Kung ano man ung totoong nasa isip nila, hindi ko alam.
Hindi ko rin talaga malalaman.
Dahil di rin nila ko binibigyan ng
pagkakataon marinig kung ano man ang nasa isip nila.

Aaminin ko na gusto kong madaliin magbago, para hindi ko na dala-dala to.
Aaminin kong hindi ko rin gusto na maglaho sa mga mata ng tao.
Pero baka kasi ito yung kailangan ko. O baka pati nila.

21

Salamat sa mga kaibigan ko na tumapik sa likod ko at yumakap at nagsabi na kaya ko to.
Na mahal nila ko. Na may tiwala sila sakin.
Isa sa mga sumagi sa isip ko, dapat ba talaga pag pupunta ng SAGADA may iiyak?
Pero sandali, di ako nabigyan ng chance sumigaw ng “AYOKO NAAAA!!!”
Daming tao eh kahiya. LOL.

Follow me on IG: @iyangiyang

Check out the highlights of our trip here:
SAGADA Travel Video